Sa pagpapadoy ko ng enerhiya, ako ay ginagabayan ng kung ano ang aking nararamdaman, ito ay hindi pinapakilos ng makina. Wala ring posisyon ng mga kamay. Nuong si Usui ay umpisang nagturo sa Reiki, at ang lahat ng trabaho nya ay natapos sa intuwisyon lamang o pakiramdam at sa ibang banda na hindi balanse (masakit na bahagi).
Salungat sa teyorya ng mga taga kanluranin o (western), ang simbolo ay handi nakakagawa ng isang Reiki “mas malakas”. Ang kapangyarihang espiritwal ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasanay ng nag-iisa. Si Usui ay hindi talaga ipinakilala ang Shirushi and Jumon,hanggang sa mabuo nya ng lubusan ang sistema ng kanyang paggamot. At nang ginawa nya iyon ay, napagtanto nya na ito ay makakatulong pala sa kahirapan sa pagpukos at pagpapasok ng enerhiya – The London School of Usui Reiki Ryoho
Panatililing bukas ang iyong isipan upang dumaloy ang enerhiya ng walang bara. Hayaan mo itong maglathala ng mgn impormasyon dahil ito ang layunin mo. Huwag harapin ng lubusan ang posisyon sa kamay, simbolo o kulay na ang iyong isip ay sarado sa ibang mga bagay. Huwag mong hayaan na ito ay maging hadlang. Dahil binubuksan mo ang iyong sarili na magabayan, damhin ang enerhiyang dumaloy sayo at hayaan mo na pakinggan ng iyong katawan, puso at isip, at maaari mong umpisahang magpatuloy doon o di kaya ay manatili dito ng mas matagal atbp.
Sa ibaba ay gumawa ako ng mga pahiwatig kung papano mo maaaring umpisahang making at kung paano ka mag pokus. Walang istriktong kautusan at dahil sa pagsasanay mo ay maari mong malaman ang ibang paraan o iba pang paraan na akma sa iyo. Gayunpaman, hindi nararapat na hawakan mo ang sino mang nasa loob o pribadong lugar o saan paman.Maaari sila makaramdam na hindi sila komportable ito ay lubos na hindi kailangan. Mangyaring tandaan na kapag ako ay nagpapadaloy, kadalasan ang aking mga kamay ay hindi dumadaiti sa katawan ng tao.
And intensyon ay pinakaimportante. Tayo ang mga tagapaglikha. Tayo ang lumilikha o lumikha sa ating intensyon kapag nag papadaloy tayo sa iba, Layunin natin na tulungan sila sa kanilang pagpapagaling, intensyong magpadaloy o magpaagos ng purong enerhiya para sa kanila. Lahat tayo ay may sariling isyu o paksa, upang makasiguro na hindi mapasa ang pakiramdam na ito, maaari lamang na maging mapayapa sa pagpapaagos. Dahil sa iyong pag paagos, ang source energy o pinagkukunan ng enerhiya ay makakatulong din sa iyo na maibalik ka sa estadong ito. Maaari lamang na iwasang magpadaloy ng enerhiya sa iba kung ikaw ay hindi magaling sa pangkatawan o pangkaisipan.
Pagpapdaloy ng Enerhiya
- Pahigain ang tao sa harapan mo, dahil ito ang mas komportableng posisyon para sa kanila.Dapat sila ay nasa isang lugar na patag at komportable para gumawa at para madali nilang abutin ang lahat ng bahagi ng kanilang katawan.
- Buksan ang iyong koronang chakra (isipin na ang tuktok ng iyong ulo ay bumubukas)at payagan ang enerhiya upang dumaloy sa pamamagitan mo at sa iyo.
- Para matulungan ang tao na marelaks, sabihin sa kanila na kumuha ng ilang malalim na hininga. Dahil karamihan sa tao ay hindi sigurado sa kung gaanong lalim o haba ng hinga o ang iba ay nahihiya lamang tungkol dito,ang gawin mo ay sabayan mo silang huminga ng malalim, iparinig mo sa kanila para gayahin ka nila.
- Sa mga oras na ito, gusto kong gumawa ng isang o bola ng enerhiya sa gitna ng aking mga kamay, para maramdaman ko ang enerhiyang dumadaloy at ilagay ang aking mga kamay sa itaas ng konte sa kanilang katawan (mga 2 ½ pulgada para magsimula, ito ay maaaring mag-iba mula ½ pulgada hanggang 2 1/2 pulgada sa kasalukuyang sesyon)
- Wala pa akong itinakda kung saang lugar magsisimula, pero kadalasan, nakita kong umpisahan ang mga taong iyon sa ulo upang matulungan silang marelaks ilalagay ko ang isang kamay ko sa itaas ng kanilang korona, nakaharap ang mga palad sa tuktok ng kanilang ulo, at ang isang palad sa taas ng kanilang third eye o di kaya ay pwede rin sa gilid ng ulo nila,ang mga kamay ko ay sa gilid ng tainga nila kung mayroong partikular na bahagi na may inirereklamo sila, sabihin na nating baling binti, pwede ring umpisang mag pokus sa bandang iyon.
- Dahil sa pagpapaagus ko iginagaaw ko ang aking mga kamay na maliit na pabilog at bahagyang pabalikbalik. Dahil kung ako ay dahan-dahang nagpapagulong ng enerhiya sa iba, tulad ng kasalukuyang pagsasanay ng enerhiyang pangkamalayan pero mahina lamang,at ang aking mga kamay ay nakatigil saglit at maya maya lamang ay igagalaw ang aking mga kamay sa pabilog na paggalaw at dahan dahang pabalik balik.
- Tuwing ang aking mga kamay ay naka perme minsan, ibig kong sabihin ito ay nakahinto at ako ay naka relaks ramdam ang enerhiyang pumapasok dito. May ibang oras na ang mga kamay ko ay nasa magkaparehong posisyon pero medyo itunutulak ko ng sabay. Para linawin ito, tumayo sa harap ng dingding, at ilagay ang mga mga nakataas na palad sa dingding at itulak ito ng dahan dahan.Ang mga kamay mo ay panatilihin sa iisang lugar pero ikaw ay tumutulak. Ngayon umatras, at magkunyari ka na may isang salaming dingding sa harapan mo na parang mime artisit O manggagaya.Ilagay ang mga palad sa nilikhang kunyaring salamin at dahan dahang itulak, pabayaan ang mga kamay sa iisang posisyon. Parang ganyan lang medyo kahaliling sa pagitan nito, nakarelaks ang aking mga kamay, (Hindi sila masyadong kumakawag kawag, pero nagbibigay agos) at gumagalaw galaw ang aking mga kamay ng dahan-dahan tulad ng nasa itaas.
- Kapag sa tingin ko na ito ang tamang panahon upang ilipat ang aking mga kamay sa bagong lugar,sa ibabaw ng katawan ng tao. Ginagawa ko ito inililipat ko ang mga ito kung saan nakakaramdam ako na may Gabay o nakakaramdam ako ng nangangailangan ng enerhiya o kung saan mahina ang enerhiya. Kapag ang partikular na bahagi ng katawan ng tao ay nangangailangan ng paggamot, maari kang mag pokus sa bahaging iyon, pero tandaan na maahing hindi ang bahagi na iyon ang santi ng sakit. Bagamat subukang buksan lamang ang iyong isip na parang may mulubhang pagbara kahit saan na rin,At ang pagpapaagus ng enerhiya sa ibang bahagi ng katawan ng tao ay maaaring makatulong na linawin ang mga ito.
- Pag katapos mo, ibaba ang mga kamay ng sabay at magpasalamat sa iyong mga gabay.Sa sandaigdigan, pinagmulan o panginoon.Tapos, tapikin ang indibidwal sa balikat ng malumanay para sya ay gisingin. Bigyan sila ng oras o panahon para bumangon, wag mag madali maaaring kailangan nila ng grounding, na maaari mong tahakin kasama sila.Kung sa imahinasyon mila ay may ugat na nagmumula sa mga binti nila papunta sa lupa. Lumapit ka at palakarin pababa ang iyong mga palad hanggang sa ilalim ng mga binti pababa sa sahig ng nakasunod sa ugat.
Ang mga nasa ibaba ang ilang mga karagdagang mga pamamaraan na ginagamit ko sa oras ng healing (hindi ko pa isinama ang mga ito sa taas dahil hindi ito para sa sistemang pang makina):
- Dahan dahang pasadahan ng iyong mga palad sa taas ng chakra ng indibidwal o ng tao at padaluyan ng enerhiya sa bawat chakra habang inilalarawan ang nauugnay nitong kulay na ilaw.Maglaan ng mas maraming oras sa bawat chakra na kung saan nararamdaman mo ang mahinang enerhiya. O di kaya ang iyong paggunita sa mga kulay ay hindi masyadong malakas kompara sa ibang posisyon. Hang gang sa maramdaman mo na unti unting lumalakas o kung maramdaman mo na, na oras na para magbago ng posisyon.
- Kapag ikaw ay nakapagpadaloy na ng enerhiya sa ibang bahagi ng isang tao, maari mong subukan ang pag- aangat ng iyong mga palad, at ituro ang iyong daliri ng bahagyang pataas. Tiyakin din na ang iyong mag pulso at siko ay nakarelaks at dahan dahang dalhin ang iyong mga kamay pabalik a parehong posisyon sa ibabaw ng katawan ng tao na medyo patalbog na galaw sa isang malumanay na pataas at baba. Bilang ginagawa mo ito, may kakayahan kang damhin ang enerhiya Bigyan ng bahagyang lakas sa iyong kamay pababa, tulad ng isang bahagyang suporta kung itulak ng napakamalumanay ang suportang ito, may kakayahan kang itulak pabalik sa taas at suportahan ang iyang mga palad. Katulad ng Ball of Energy o bola ng enerhiya na pagsasanay, kapag itulak mo ang iyong mga palad na may konting pagpisil sa bola ng enerhiya, ang enerhiya ay nagbibigay ng isang bahagyang pagtutol maaari mong gamitin ito para damhin kung saan ang enerhiya ay mababa ie.kung saan may mas mababa ang pagsuporta at pagtutol,hindi ka magiging sensitibo sa mga antas ng enerhiya kapang sinimulan mo ang pag papaagus, ngunit darating ito sa pagsasanay.
- Nagiipon tayo ng napakaraming enerhiya sa ating tiyan, sa may bandang pusod.Kapag ang antas ng enerhiya ng tao ay maubos gusto ko na magpadaloy ng enerhiya sa lugar na ito para makatulong na ibalik ang kanilang antas ng enerhiya (pagkatapos mong magpadaloy dito saglit, maaari mong suriin ang antas ng enerhiya sa pamamagitan ng pagsunod sa taas sa ika – 2 pamamaraan ng pagpapagaling)
- Gusto ko na magpadaloy ng pagmamahal at enerhiya papunta sa may bandang puso. Sa totoo lang habang ako ay nagpapadaloy o nagpapaagos ng enerhiya gusto kong mag padala ng pagmamahal o masayang saloobin sa tao at kung minsan ay maglarawan ng liwanag (siguro puti o isang kulay ng chakra) paikot sa katawan ng tao osa bahagi ng katawan nito na ginagamot, at o di kaya ay liwanag na nanggagaling sa aking mga kamay, o pababa na nanggagaling sa aking buong katawan papunta sa tao.
- Pagpokus sa buong katawan.Gusto ko patakbuhim ang aking mga palad ng dahandahan sa buong katawan ng tao at damhin kung nasaan banda ang parte na mahina ang enerhiya o tignan kung maramdaman mo ang pagbara. Kung ang tao ay mahina ang enerhiya, i.e ang katawan nila ay makakaramdam ng mahina ang enerhiya, magpadaloy muna mg enerhiya papunta sa kanlia, at pakiramdaman kung saan banda ang nangangailangan ng mas maraming enerhiya.
- Kung ang kamay ng tao ay nakakaramdam ng lamig, gusto ko ipatong ang isa kong palad sa ibabaw ng bawat kamay at mag paagus o mag padaloy. Ginagawa ko din ito kung gusto ko na makaramdam sila o maalala nila ulit kung paanong maramdaman ang enerhiya sa kanilang mga kamay.
- Napakaraming tensyon ang naiipon sa balikat kaya gusto kong tumayo sa likod ng ulo ng taong at ilagay ang palad kahit sa gilid nito,sa taas ng malambot na bahagi sa ibaba ng mga balikat,kung saan nangyayari ang pagbara,at magpadaloy nga enerhiya pababa sa kanilang katawan.
- Ang mga paa ay konektado syempre sa buong katawan,kaya huwag kalimutan ang mga paa at talampakan.
Ang paglunas ay nakakatulong na ragulingin ang pisikal, pag-isip at espirituwal. Samakatuwid buksan ang iyong isipan para sa lahat ng mga bahaging ito at subukan at damhin kung ano ang kailangan.
Malayong Pagpapadaloy
Para tumulong na mag pokus, kaya nitong tapusin kung saan palagi kang nagpapadaloy ng paglunas sa iba, gaya ng pagtayo sa harapan ng panlunas na bangko. Isipin mo lamang ang tao na nakahiga mismo sa harapan mo animo na nanduon sila sa normal na pagpapagamot, maaari din sa simpleng pag upo isipin na ang isang tao ay nasa harapan mo.
- Isipin na ang isang tao ay nasa harapan mo.
- Gawin ang tamang tamang gusto mo, kung ang isang tao ay nasa harapan mo, magpadaloy ng enerhiya at makiramdam para sa parehong mga bagay.
Sapagkat ikaw ay mas naayos na sa Qi at mas bukas, mamamangha ka kung paano tayo konek tado at kung anoman ang maari mong maramdaman, kahit na ang isang tao na iyon ay wala sa hasapan mo sa dimensyong ito.
Tandaan : Ang lahat ng im pormasyon ay pangkalahatan sa kalikasan upang makatulong sa paghahanap para sa kaalaman sa lahat ng aspeto ng kagalingan. Wala sa mga impormasyon ang bumubuo ng medical na payo o dapat na kinuha bilang anyo ng paggamot na walang payo ng isang mangagamot.
Karagdagang Babasahin:
Pagalingin ang Sarili
Pangunahing Kaalaman ng Enerhiya
Chakras